Typhoon ondoy story

Posted by ethaninosente on September 27, 2009 in Undecided |

4:11 am na ng umaga nung huling offline ng kasintahan ko sakin sa outlook, parejo kasi kaming nakaiwan ng telepono sa bahay, kakamadale pagpasok sa work. Tyempo namang ang dala ko lang e ung malaking tungkod (este payong pala) ng nanay ng kasintahan ko. madali natapos ang shift ko kasi madame calls and hinde sya nakakaantok.

Sabi ng nya, mcdo daw pero 8am na nag iintay parin ako ng email nya.  email gamet namen para macontact ang isat isa. Yung telepono ng best friend ko gamet ko (wala kasi load kaya puro wifi gamet ko), un pala andun sya sa mcdo cubao”aysus nakalimutan nya siguro manunuud kame ng IN MY LIFE”

Mga 12:12 na nang tanghale non at hinde parin tumutila ang ulan, Kaasar lalu atang lumalakas, kamusta na kaya sya sa dun sa office nila. Mga ka-office ko isa-isa ko silang inisip kung okay lang sila sa taas, the sincere saying “mag ingat kayu ha” was the only thing i can do for them. nu bayan!

Sa 35th floor naman ng building namen I watch closely kung panu lumabo ung visibility nung raffles building at ung st. francis bldg, hinde naman kalayuan, inoobserbahan ko ung mga sasakyan nang me tumapik sakin tanung nya “kita mo ba?” reply ko naman “hinde” ka office ko, sabi nya kanina padaw stuckup ung mga sasakyan mag iilang oras narin, i went back to the coffee table kung saan kasama ko mga bestfriends ko, halos walang habas ang kwentuhan namen at tawanan sa gym, (kase un lang kaya nameng gawen habang pinapanuud ang raffles at st francis lumabo at luminaw). gutom na kame! gutom na ma sawa ko sa tyan ang sumunod nameng naiisip nang maubusan kame ng kwento, ayaw na namen sa mcdo, ayaw nanamen sa kfc, dun naman kame sa strata 200 ng maiba naman,

Nang busog na kame at inaantok na, akyat naman kame sa floor namen para manuud ng t.v. Ilang ka office mate ko and nandun, either nanunuud ng t.v or nag fafacebook nalang sa pantry. Nagpost kame ng shout out na ingat sa lahat at kamustahan ng kamustahan, malas ko lang e hinde ko kabisado numero ng kasintahan ko ay sus! anhin ko postpaid na phone kung hinde ko naman alam number nya hahaha

Buti nalang nagonline ako at nakita ko safe at home na sya. We were there thinking kung anu susunod na gagawen, Me and a friend of mine, decided na suungin ang kalagitnaan ng bagyo para lang makauwi sa mainit at masarap na yakap ng pamilya. Si bestfriend naman “i rather stay here and be dry rather than to die bloated” Yung isa naman best friend ko “ayaw na ako pauwiin ng pamilya ko, ang computer ko sana ligtas nila”

Sinugod namen ang bagyo, malakas ang hangin, sayang ngalang hinde ako babaeng nakapalda para magmoment sa gitna ng ulan, kaya diretso lang ang lakad namen papunta ng mrt. Ang north bound saksakan ng traffic, ang south bound naman, mistulang ghost town. we then decided na magsouth bound nalang tas iikot, nalang para makapunta ng north, on our way sa south, nakita namen kung panu lumubog ang ilang parte ng lungsod, madame nagsasaya sa baha, iba naman busy busyhan sa pag aayus ng mga bahay

Isang oras din ang tinagal namen sa byahe patungo north bound, pagdating namen trinoma hinde kame makalabas kasi rejected card namen. Nang magtanung ako sa kahero bakit ganun, pasigaw nyang basahin nyu to “kelangan 45 minutes kalang sa loob ng mrt and mag mumulta ka pag lumugpas ka sa oras na binigay”

“nasabe ko nalang wag kang iiyak, me pambayad naman ako” haha naasar ata si tanda, sa haba haba ng lakaran nakita kong stuck up ang maraming bus at ibat ibang klase ng sasakyan mapa motor man o truck. Walang sundong darating kaya minabuti na nameng maglakad, balak pa nga namen maghanap na lang ng dela rosa tapos matulog nadun kung gagabihin.  Dahil likas na kuripot ang kasabay ko nasabe nalang nya tara lakarin nalang naten, nagsimula sa trinoma papatawid ng sm north, papunta ng sky garden hanggang sa kapilya ng mga iglesia. Hala sige lakad kung lakad

Oo nga nakatipid ako, oo nga na work out ako, nyeta parang gusto ko nang sumuko. Hala sige lakad pa ulit, walang hintuan pero me imikan naman, nakakabored kasi maglakad ng walang kausap e. Na pansin ko walang dela rosa, walading naglalakad sa gitna ng kalye. ung iba naman nagkakagulo sa pagakyat ng hinde pa tapos ng mrt-lrt connection. pinagtakahan ko lang panu sila bababa dun?

Lakad to the left, lakad to the right and then sa gitna ng daan, unte unteng tumaas ang baha, (naman naman naman! wag ka mag iiskinny jeans pag tag ulan, mahirap dumukot sa bulsa kaya ayun basa payroll ko, basa wallet ko) umakyat ang baha hanggang dib dib ko. Pero lakad parin kame. Hinawakan ako ni kaoffice sa sintorera ko para hinde ako agusin, naawa naman ako sa maliit na babaeng nasa harap ko kaya hinawakan ko nalang sya sa balikat nya para itaas. mejo kaliitan kasi sya e at naaabot na bigbig nya ng baha.

Abay tumagal ang baha ng ilang oras, mula munoz hanggang royal edsa ang haba ng baha, nang papa -ahon na ako ng baha, biglang tumugtug sa isipan ko “ama surbayboy woooh im gonna mayke it, -ng destinies child” grabe daig ko pa nag thread mill sa layu ng nilakad namen.

Pagdating namen balintawak lakad parin kame, nadagdagan ng dalawang babae ang walkathon namen ni kris, hala sige lakad tungo sa tagumpay. Nang makarating kame ng balintawak, nilakad ulit namen papasok ng nlex. Tulad nang view sa mrt ang kabilang lane mistulang ghost town nanaman, ung mga papuntang prov, unte lang talaga ung dumadaan tapos ung mga papuntang balintawak grabe super traffic literal na bumper to bumper, mga isang oras din kame naglakad patungong emergency boot ng tolgate, ilang beses narin namen magtangkang mamara ng mga sasakyan pero walang humihinto, nadaanana nanamen ung lalakeng nakatayu sa eternal,  ibigsabihin nun malapit nakame sa tolgate, pagdating namen sa tolgate ng val me mabuting tao na nag offer sameng sumampa na lang sa truck nya

Hinde sya ung iniisip namen ideal na transpo na sasakyan, pero hinde na kelangan maging choosy pag asa baha ka. Sa tolgate ng val. patungo sa aming bahay, isang as expected traffic din. buti nalang walang mataas na baha nung naglakad ako pauwi. Ouch pagkadating ko bahay hala sige ligo. hinde na nga ako nakapag bihis sa sobrang pagod. nagkumot nalang ako tapos tulog. hayyy grabeng bagyo ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv badge

Copyright © 2009-2012 RunawayBlogger All rights reserved.
Desk Mess Mirrored version 1.9 theme from BuyNowShop.com.

SEO Powered by Platinum SEO from Techblissonline